Thursday, August 2, 2012

Kamatayan Resulta ng Kapatiran

BARBARIC BROTHERHOOD 

Photo of Marc Andrei Marcos, 21, posted in the Twitter account of his sister.
 
Is this what you call Kapatiran???? Why is there a need for violence? Bago mo ba maging kapatid ang isang tao ay kailangan tadyakan, suntukin, murahin, alipustahin, paluin, bugbogin? This is non-sense!

Karamihan sa atin ay ipinanganak sa isang pamilya. At sa pamilya natin may kapatid tayo, pero hindi tayo sinasaktan bagkos tayo ay pinoprotektahan ng ating mga kapatid.

Kontra sa isang ideal na kapatiran ang mga hazing na ginagawa ng mga Fraternity at Sorority. Kinakailangan ba na mamatay matay ka na sa tindi ng hirap, pasakit bago ka matanggap sa isang fraternity at sorority?

Dahil sa maling maling paniniwala ng mga taong ito tungkol sa kapatiran humahantong kadalasan sa pagkamatay ng kanilang mga neophytes.

Noon ako ay nag-aaral pa sa Kolehiyo maraming nag re-recruit sa aming unibersidad na mga Fraternity at Sorority. Never ko pinangarap na masampal, mapalo o mabugbog para lang maging myembro ng kapatira o magkaroon ng  isang organisasyon na maari kong kabilangan. 

Naniniwala ako sa sipag at tyaga para maka alwan ka sa buhay. Ang tao na naniniwala na sa hazing at bayolenteng pagkakastigo ay isang tao na may tama sa ulo. 

Paano ka aasenso dahil lamang sa pagiging myembro ng isang kapatiran? Kinakailangan pa rin ang sarili mong pag tya tyaga at sipag at pag aaral na mabuti para maging mabuti ang iyong kinabukasan.

HINDI SAGOT ANG KAPATIRAN PARA MAGKAROON KA NG MAGANDANG TRABAHO!

Kinakailangan na ang isang batas na may ngipin para maproteksyonan ang mga nagiging biktima ng mga kapatiran na nagdadala ng kamatayan!

Tama na sobra na! Tigilan na ang mga hazing!

Nananawagan po ako sa mga kongresista, na sana maglabas kayo ng batas na may ngipin! 

Gawin krimen ang pagsali sa mga kapatiran nakakamatay!

Parusahan at gawin ehemplo ang mga nahuling naging sanhi ng pagkawala ng mga buhay dahil sa hazing!

May kapatid ba na masaya habang ikaw ay nasasaktan? 

Ganito ba ang kapatiran? Nagsasaya habang may taong halos di makagulapay sa sakit? 

Kailangan ba na i-flying kick, suntukin, murahin habang namimilipit sa sakit na natamo sa mga palo na dapat ay hindi ginagawa sa isang kapatid?


1 comment:

  1. hazing is heinous, cruel, senseless and so last century. those involved should be punished to the full extent of the law they are studying to uphold. how ironic is that?

    ReplyDelete